Kung Gusto Nating Umasenso:

MGA KATANGIANG DAPAT HANAPIN SA ISANG KANDIDATO
[From PPCRV Voter's Education Material]

MATUTO...BANTAYAN ANG BOTO ... UMASENSO

Hindi basta sikat o gwapo / maganda

Magaling, Matuwid, at Mabait

May pagpapahalaga sa pamilya

May respeto sa kababaihan

May kakayahan sa paglilingkod

May konkreto at kapanipaniwalang plataporma para sa bayan

May paninindigan sa mga isyu

Kayang pag-isahin ang iba’t-ibang sektor ng pamayanan

Hindi siya o sino man sa kanyang pamilya nasasangkot sa kahit anumang anomalya, krimen, o eskandalo.

May delicadeza; hindi makapal ang mukha

Masipag at tapat sa kanyang tungkulin

Maka-Diyos, Maka-tao, at Makabayan

May pagmamalasakit sa kapwa  (at hindi sa panahon ng eleksyon lamang nagpapakita) 

 

MATUTO...BANTAYAN ANG BOTO ... UMASENSO

 

Kung Ayaw Mo ng Pagbabago

                                 MULI MONG IBOTO ANG MGA SUMUSUNOD NA KANDIDATO                                        

 

 l  Gumamit ng kanyang katungkulan upang:

magpayaman ng sarili

kumamkam ng yaman

mandaya at magsamantala sa

sariling bayan

magwaldas ng pera ng bayan

gumamit ng ‘goons, guns, at gold”

2. Ginagamit ang kanyang katungkulan upang:

magkaroon ng kapangyarihan

manakot at magbanta

makapasok sa tiwaling kasunduan para sa sariling kapakanan

3. Mapagsamantala, Oportunista, Mapagpakitang-gilas sa kapwa:

sa panahon lamang ng eleksyon nagkakaproyekto at nakikipagkapwa

mga pangako noon na napapako

tapat sa kanyang partido ngunit hindi sa bayan

trapo ... palipat-lipat ng partido makamit lamang ang sariling kapakanan.       

                             MATUTO ... BANTAYAN  ANG BOTO ... UMASENSO!


For any inquiries or comment, you may contact the WEBMASTER
Last Updated: Wednesday, April 04, 2001 08:38:07 PM