PPCRV
PRAYER FOR MAY 14, 2001 ELECTION |
Diyos
ng aming buhay at ng aming kasaysayan, Sa
aming patuloy na pagsasabuhay ng hamong bigay ng Taon ng Jubileo, aming
hinihiling na muli kaming gisingin bilang mga botante para sa darating na
pambansa at lokal na halalan nang sa gayon ay makita namin ang tunay na
kahulugan nito na pilit kinukubli sa ilalim ng PERSONALIDAD, PANUNUHOL
at MALING SISTEMA NG PAKIKISAMA. Gabayan
mo po kami sa aming tungkulin sa masusing pagpili ng mga karapat-dapat na
kandidato, at ilayo mo po kami sa tradisyunal na pamamalakad ng pulitika
tulad ng PAG-GAMIT NG ARMAS, PANANAKOT
at PAGBILI NG BOTO. Pagpalain
at bigyang katatagan ang mga kandidato upang kanilang mabatid na ang tunay
na kahulugan ng paglilingkod sa gobyerno bilang instrumento ng ganap na
pagbabago at pag-unlad.
Nawa’y isa-isip nila na ang saligan ng isang bansang demokratiko
ay isang pamahalaang nilikha PARA sa TAO, NG TAO at
SA TAO. Mahal naming Inang Maria, yakapin mo po kami ng iyong pagmamahal. Dalangin namin ang isang MATAPAT, MAAYOS, MAPAYAPA at MAKAHULUGANG halalan sa ngalan ng iyong mahal na anak na si Hesus. Nawa’y ang diwa ng katotohanan ay laging manaig sa puso ng bawat Pilipinong boboto. Ito ay aming hinihiling sa ngala ng aming Panginoong Hesukristo kasama ng Ama at ng Espiritu Santo. Iisang Diyos Magpakailanman. AMEN.
For any
inquiries or comment, you may contact the WEBMASTER
|